Loading...
“Dear gob Ramil, Ganyanan na ha. Dehins ako pinalusot Ng checkpoint mula Bgy. Inchikan, Silang, Papunta Nuvali. “Bawal daw” sabi ng hepe mo. Bali wala werpa ko sa checkpoint mo. Tandaan mo na likas ang yabang at tapang naming mga kabitenyo. Ang mga taga laguna mga maka-dyos. Tignan mo pangalan Ng mga bayan mo: San Pedro; Santa Cruz; Sta Rosa. Kami dito: General Trias; General Aguinaldo; General Mariano Alvarez. Nilikha kami sa digmaan.” Sabi ni Gov Jonvic Remulla.
“Huwag ko ng marinig na tatawid ka ng SLEX papuntang Maynila. Magtatayo ako ng checkpoint sa Carmona para di ka makatawid. Umikot ka Ng Rizal ngayon para maramdaman mo ang nararamdaman ng mga kababyan ko. Iyong dating kaibigan, Gob. Jonvic.” Dagdag pa niya. Pero may pahabol siya na joke o biro lang yun, at dapat nga daw ay tayong lahat ay mag quarantine. Di nagtagal, sinagot ito ni Laguna Gov. Ramil Hernandez.
“Dear GOV. JONVIC, Nabasa ko na ang iyong bukas na liham at eto ang aking kasagutan. Kapag may ulan o bagyo lagi mo akong inuunahan magdeklara ng walang pasok. kaya lagi akong naba-bash ng mga masisipag pumasok dine sa amin kahit mahina naman ang ulan dito sa Laguna. Ngayon, wag mo naman sanang masamain na ako naman ang nauna na nagdeklara ng Total Lockdown. Panalangin naming mga taga Laguna ang kaligtasan nating lahat.” Sagot ni Gov. Ramil Hernandez.
“At pahiram naman ng mga mandirigma mo dyan para sa matitigas ang ulo dine sa amin. Kung papogian naman ang usapan mas matangkad ka laang sa akin pero tao na magsabi kung kaninong gobernador ang mas pogi.Ang iyong kapit lalawigan, GOV. RAMIL.” Dagdag pa niya, na may pahabol din na joke lang din iyon. Nagpa-alala din niya sa mga mayor at kapitan ng kanyang nasasakupan na huwag mag-away at magkaisa sa panahong ito ng lockdown.
Pero sumagot muli ang gobernador ng Laguna sa kanya. Aniya, natutuwa siya na nabasa ni Gov. Hernandez ang kanyang message at sinabing kasama sa trabaho nila bilang ama ng probinsiya na makiisa at making kesa sa makipag-away. Pero gaya ng inaasahan, may biro pa rin siya matapos humingi ng paumanhin sa tuwing nauuna siyang mag announce na walang pasok sa kanyang lalawigan.
“Ang mga kalalawigan ko ay hinde immortal katulad nang mga taga Laguna. Di kami nakain ng bibe, puro tahong at talaba lang ang madami dito, kaya madalas lubog ang baybay dagat namin. Ang sariling anak ko nga ay nag aaral sa Calamba. Ikaw ang inaabanagan at hinde ako. Sa patigasan ng ulo ay kulang na ang mandirigma namin dito.” Sabi ni Gov Jonvic Remulla.
“Kailangan namin ng panalangin ng mga santo ninyo. Huwag na natin gawing paligsahan ang pagandahan Lalaki. Baka mag rambulan Ang mga “Beki” natin. Tingin ko, lamang ang mga ka-federasyon namin dito. Batak sa trabaho at maraming ka alyado. Panalangin ko na matapos na ang beerus na ito. Naboboryo na ang mga kababayan ko.” Dagdag pa ng masayahing gobernador ng Cavite. Hindi na muling sumagot ang gobernador ng Laguna.
Sa aking pananaw, nakakatuwa ang ginawa ng dalawang gobernador na ito. Pinatunayan nila na tayong mga Pilipino ay likas na masayahin. At kahit malaki ang ating kinakaharap na mga problema ngayon bunsod ng pagkalat ng COVID-19, ang mga gaya nilang mga nanunungkulan sa pamahalaan ay nakuha pang magpasaya ng mga tao. Sila ang mga lider na sana ay tularan ng ibang pinuno at mga mamamayan din na nahihirapan dahil sa pandemic ngayon.
No comments:
Post a Comment