Loading...
“Wala kayong pera, tang*na nyo! Magsilabas ang mga Muslim dyan, yung mga nagbebenta ng iPhone!” Sabi ni Mj Digma sa kanyang Facebook live habang nagtatawanan ang kanyang mga kasamahan. Bukod doon, inaasar niya din ang mga nag comment. “Sige, tawagin ninyo akong Muslim hunter, ilabas nyo ang mga Muslim, tang*na nyo!” Dagdag pa niya, sabay ipakita ang isang baril-barilan at inilabas din niya ang kanyang dila. Ayon sa kanya, siya na taga Fabella st., Mandaluyong.
Pero hindi nagtagal, nag Facebook live uli si Mj Digma na ngayon ay parang hindi makabasag-pinggan at halatang nag-aalala. Dito, humingi siya ng sorry sa kanyang mga nasabi sa una niyang video na kung saan tila siya ang nakikipag-inuman ang kanyang mga ka-tropa. “Patawad po sa mga kapatid nating Muslim. Mag public apology po ako sa mga nasabi ko sa group na Online Rambulan. Di ko ine-expect na lalabas ang video na yan,” sabi niya sa caption ng kanyang video.
Ayon sa kanya, grabe ang pinagdadaanan niya ngayon at marami na daw death threats sa kanyang pamilya at mga anak. Sana daw, huwag masamain yung mga pagmumura niya sa mga Muslim at katuwaan lang daw iyon. Inamin niya na mali ang kanyang ginawa at labis niya daw itong pinagsisihan. Hindi din daw siya galit sa mga Muslim at hindi siya masamang tao. At bagama’t marami pa rin ang galit sa kanya, may mga Muslim naman na tinanggap ang kanyang public apology.
Moral lesson sana ito sa ating lahat, na pag-isipan muna mabuti ang mga binibitawang mga salita. Huwag nating gawin sa ating kapwa ang ayaw gawin sa atin.
No comments:
Post a Comment