Si Pansinero ay isang Pilipinong papansin sa mga dapat mapansin, sa mga hindi masyadong napapansin, at mga papansin. Pero syempre, magbibigay ng ako ng mga makabuluhang tips na makakatulong sa inyo.
Ang inyong abang lingkod ay isang pangkaraniwang mamayaman lang. College graduate ako pero hindi sa UP, at hindi Mass Comm o Law ang natapos ko. Higit 50 taong gulang na ako. Katunayan, may isa na akong apo.
2007 pa lang, nagba-blog na ako pero puro English (Naks!). Ginawa ko ang Tagalog na blog na ito exclusive para lang sa kapwa ko Pinoy, at para mas express ko nang husto ang mga gusto kong sabihin. Kasi nga pag Tagalog, mas maraming Pinoy ang magkaka interes basahin.
Ang bawat isusulat ko dito ay idea ko o opinyon base sa isang balita at mga ibang sangkot ang lipunan. Walang tao o grupo na nagbabayad sa akin, so kumbaga independent ako. Naisip ko din na wag gamitin ang tunay kong pangalan kasi alam naman natin na maraming haters na sisiraan ka sa social media. Hindi naman kasi lahat ng tao, sasang-ayon sa mga sinusulat ko.
Kaya kung may gusto kayong sabihin sa akin, mag-iwan lang kayo ng comment. Yun nga lang, pag pinersonal nyo ako o ininsulto, karapatang kong wag gawing public ang comment nyo. So kumbaga, walang personalan, napapansin lang, ok?
No comments:
Post a Comment