Loading...
Pero bago yun, kailangan mong malaman na iba ang biodata sa resume, at iba din ang tinatawag na Curriculum Vitae (CV). Malaki ang pagkakaiba nilang tatlo pero iisa ang purpose – ang ilagay ang mga detalye tungkol sayo at higit sa lahat, makumbinsi mo sila na ikaw ang dapat i-hire. At dahil mas sikat sa ating mga Pinoy ang resume, dito muna tayo magfo-focus.
#1 Maigi pero interesting basahin
Una, ang resume ay summary lang ng mga basic information tungkol sayo, kasama na ang contact info mo, educational attainment (inabot mong pag-aaral sa school), job experiences mo, skills mo, at license mo kung meron. Maraming klaseng format, kahit alin dun pwede. Pero dapat 1 o 2 pages lang. In short, maigsi pero dapat very interesting syang basahin.
#2 Maayos na photo
Sa ating mga Pinoy, nakasanayan na merong photo sa resume. Pero ang totoo, pwdeng wala. At dahil mas ok ang meron, dapat yung maayos ang kuha at latest mo yun. Dapat naka formal ka lalo na kung opisina ang aaplyan mo, at wag basta selfie mo lang o galing sa Facebook. Check mo din, kasi baka may required ang employer na size o kulay para sa background.
#3 Specific na Job Objective
Ang paglagay ng Job Objective ay optional lang, pero syempre mas maganda kung meron. Ang purpose nito, malaman ng employer kung anong specific career goal mo. Halimbawa – “to be a manager in a giant food chain.” Iwasan mo yung mga mabulaklak na salita o di naman kailangang sabihin. Higit sa lahat, totoo dapat yung sasabihin mo kasi malamang di mo kaya ipaliwanag.
#4 Highlight mo accomplishments mo
Dapat mong ilagay mo job description mo sa dati mong work, pero mas ok kung i-highlight mo mga accomplishments mo na related sa ina-aplayan mo. Kung wala ka pang job experience, ilagay mo yung mga seminars na pinuntahan mo o awards na natanggap mo. Kung meron, dapat specific sya, gaya ng reports na ipinasa mo.
#5 Gumamit ng bullet points
Ang resume ay hindi kwento ng buhay mo, so kung maglilista ka ng job experiences mo o accomplishments mo dapat naka bullet points sila, para mas madali basahin. Wag mo din habaan ang mga sentences mo, bk di makahinga yung magbabasa. Again, iwasan mo yung mga mabulaklak na salita, at dapat puro totoo lang ang mga isusulat mo kasi iche-check nila yun.
#6 Convincing na cover letter
Mas maigsi ang cover letter kesa sa application letter, pero pareho lang sila ng purpose – ang kumbinsihin mo ang employer na karapat-dapat ka nilang i-hire. In short, hindi basta sasabihin mo lang na nag-aapply ka ng trabaho sa kanila. Dito, dapat mong banggitin ang mabibigat mong qualities mo na babagay na inaplayan mong posisyon.
#7 Maayos na character reference
Ang character reference ay ang mga taong kilala ka pero hindi mo kamag-anak. Pero wag kung sino na lang na kilala ka ay ilalagay mo ha. Mas ok kung ilagay mo yung dating supervisor mo o teacher mo kung wala ka pang job experience. Pero syempre, dapat maayos ang naging samahan nyo. Dapat din magpaalam ka muna sa kanila bago mo ilagay name nila.
#8 Dapat walang mali sa spelling at grammar
Bago mo i-print at i-send o ipasa ang resume mo, dapat i-sure mo na walang mali sa spelling at grammar. Bukod sa nakakahiya, malamang di ka matatanggap. Kung nahirapan kang i-check, gumamit ka ng spelling at grammar checker sa MS Word habang, ginagawa mo ang resume mo, o magpatulong ka sa medyo maayos mag-English.
Bonus na tip:
Kung may previous work ka na di naman related sa inaaplyan mo, wag mo na ilagay. Kung less than 6 months lang, pwedeng wag mo na rin isama maliban lang kung talagang contractual lang at hindi naman mataas ang posisyon na inaplayan mo. At lagi mong tandaan, positive dapat ang dating ng resume mo. Gusto ng mga employer yun.
Good luck!
Related Posts:
Mga Common Job Interview Questions at Kung Paano Mo Dapat Sagutin (Part 1)
Mga Common Job Interview Questions at Kung Paano Mo Dapat Sagutin (Part 2)
Mga Common Job Interview Questions at Kung Paano Mo Dapat Sagutin (Part 3)
No comments:
Post a Comment