Saturday, June 16, 2018

Mga Importanteng Bagay na Dapat Mong Malaman Tungkol sa LGBT Bago Mo Sila Husgahan (Part 2)

Welcome sa Part 2 ng mga Mga Importanteng Bagay na Dapat Mong Malaman Tungkol sa LGBT Bago Mo Sila Husgahan. Sa Part 1, in-explain ko ang iba’t ibang uri ng sexual orientation at gender identity at kung bakit may bakla at tomboy. Dito naman sa Part 2, mas marami pa kayong malalaman tungkol sa kanila. Sana basahin nyo ng mabuti mula umpisa hanggang dulo.

Loading...


Bakit dumadami ang mga bakla at tomboy?

Actually, ito ang madalas na birong tanong pag napapansin nating parang kahit saan ka pumunta, may bakla at tomboy. Ang totoo, walang exact data kung ilan sila at walang nagmomonitor kung dumadami nga ba sila. Isa pa, di lahat ng LGBT ay umaamin (o nag come out). Kasi nga, may stigma pa rin sa pamilya at lipunan ang mga gaya nila.

Ang kapansin-pansin lang, mas marami na ang malakas ang loob na umamin na bakla sila o tomboy. Salamat sa mga tulad nina Ellen DeGeneres. Ricky Martin, Aiza Seguerra, at Charice Pempengco, na ngayon ay Jake Zyrus na. Malaki din ang natulong nina Boy George, Elton John, Vice Ganda at Sinon Loresca, na di ikinahiya kung ano talaga sila.

Paano at kailan ko malalaman ang tunay kong sexual orientation?

Gaya ng pinaliwanag ko sa Part 1, ang sexual orientation mo ay kung kanino ka attracted na makarelasyon, romantically, emotionally, at sexually. Meaning, pwde mo itong malaman depende kung ano ang pakiramdam mo sa sarili mo. At pag nangyari yun, di mo siya kayang kontrolin, o kahit sino, kahit mga mismong magulang at kapatid mo.

May mga homosexuals (beki o tibo) na bata pa lang, alam na nila na iba sila. Meron din namang kung kelan tumanda na, tsaka pa lang nila na realize na LGBT pala sila. Meron ding gaya ni Binibini Gandanghari (dating Rustom Padilla) na naging action star at nag-asawa muna ng babae at nahiwalay, at nag come out nung 2006 na beki pala siya.

Dapat Basahin: Mga Importanteng Bagay na Dapat Mong Malaman Tungkol sa LGBT Bago Mo Sila Husgahan (Part 1)



Pwde bang sabihin sayo ng ibang tao kung ano ka?

Ang deretsong sagot – Hindi. Minsan, ang isang tao ay napapagkamalang bading o tibo depende sa kanyang kilos, pananalita at mga hilig. Pero ang totoo, ikaw lang ang pwdeng magsabi sa sarili mo, walang iba. Hindi porket babae kang mahilig ka baril, tomboy ka na. Hindi porket lalaki ka na mahilig ka sa manika, bakla ka na. Kasi, pwde ding bisexual ka.

Ang problema kasi, karaniwan na sa ibang tao na may stereotype na tawag agad depende sa nakikita nila. Mali yun. Ang nangyayari tuloy, lalong nakakalito dun sa mismong taong involved. Gaya din ng paliwanag ko sa Part 1, ang pagiging bakla o tomboy ay hindi sakit sa isip at hindi pwedeng baguhin ng kahit anong klaseng therapy o pangaral pa ng pari sa iyo.

Pwede bang maging mabuting magulang ang mga LGBT?

Oo naman, syempre. Kasi nga, ang pagiging LGBT ay hindi sakit sa isip. Katunayan, maraming studies na ang ginawa na napatunayan na pwdeng maging mabuting magulang ang mga bakla at tomboy, na kasing galing ng mga straight na parents, o minsan mas higit pa, lalo na sa mga bansa na legal na ang same-sex marriage.

Ang unang dahilan? Kasi daw, karamihan sa kanila, pinili ang pagiging magulang, sarili man nilang anak ang bata o kaya ay nag-ampon sila. Dito sa atin, maraming bakla na nag-aasawa ng babae at naging ama, gaya nina Ogie Diaz na may 4 na anak, at yumaong fashion designer na si Jun Encarnacion na amy 6 na anak. At so far, ok naman ang pagpapalaki nila sa mga anak nila.

LGBT at gobyerno sa Pilipinas

Payag si President Duterte sa same-sex marriage, kaso syempre kailangan munang baguhin ang bayas, at sure ako na maraming kokontra lalo na ang Simbahan. Ang kagandahan lang, meron nang mga panukala ang batas laban sa discrimination sa mga bakla at tomboy sa Pilipinas. Sana nga lang, matupad ito at sana, mabigat ang parusa.

Noong October 2017, nag file si House Speaker Pantaleon Alvarez ng House Bill (HB) No. 6595, na humihiling ng civil partnership para magkaroon ng legal na karapatan ang mga LGBT bilang mag-asawa. Ayon kay Bataan Rep. Geraldine Roman na isang transgender woman, mas madali daw ito ipasa kesa sa same-sex marriage.



Kasalanan ba sa Diyos ang maging bakla o tomboy?

Halos lahat ng religion (lalo na ng Christianity at Islam), nagsasabing kasalanan sa Diyos ang pagiging bakla o tomboy. Meron din namang nagsasabing ok lang basta wag ka gumawa ng tinatawag nilang immoral, gaya ng pakikipag-sex o pagpapakasal sa kapwa lalaki o babae. Mauubos ang oras natin sa kaka debate pero di tayo matatapos.

Pero kung gusto nyo magdebate sa mga comments nyo, ok lang. Basta ako, naniniwala sa Free Will. Meaning, paniwalaan nyo gusto nyo paniwalaan at paniniwalaan ko ang tingin ko ay tama. Para sakin, mali ang maghusga ng tao base sa kanyang sexual orientation. Ang tinitignan ko sa isang tao ay ugali, lalo na kung paano sya magtrato ng ibang tao.

Conclusion:

Ako ay straight na lalaki at wala akong anak na bakla o tomboy. Pero kung nagkaroon ako, tatanggapin ko siya ng buong buo. Para sa akin,hindi morality ang issue ng LGBT kundi health issues. Hindi totoo na galing sa bakla ang HIV, na syang dahilan ng AIDS., kasi kahit sino pwdeng magkaroon nun. Ang importante, maingat ka sa sex life mo.



No comments:

Post a Comment