Loading...
#11 What was the hardest challenge at work you have faced, and what did you do?
Actually, halos pareho lang ito sa #6 at #8. Kaso dito, dapat mas specific ang sagot mo. Hangga’t maaari, magbigay ka ng fugures o report na ginawa mo. At dapat, yung malaki ang impact sa dati o present mong company. Sa #6 kasi, improvement ang pinag-usapan at hindi problema. Sa #8 naman, yung kung pano mo harapin ang problema.
Halimbawa, matapang ang boss mo at parang siga kung umasta. Una, hinanap mo ba ang kahinaan niya? Anong diskarte ang ginawa mo para matapos mo sa tamang oras yung hinihinigi nya? Nagpakita ka ba ng extra effort para gumaan ang loob nya sayo? Tandaan mo, ang hinahanap ng employer ay yung di lang magaling kundi smart din.
#12 What other companies are you interviewing with?
“Saang company ka pa may interview?” Medyo personal ito pero dapat magsabi ka ng totoo kung meron ka nang ibang company na may interview ka pa o na-interview na. Bukod sa gusto nilang malaman kung aling company ang kakumpitensya nila sayo, gusto nilang malaman kung talagang interesado ka sa industry at career na pinili mo.
Kung ang mga ibang companies na may apply ka ay mas malaki di hamak sa inaaplyan mo, mas ok kung sabihin mo ang pangalan nila. Advantage sayo yun kasi meaning, matindi talaga mga qualities at skills mo. Pero kung mas maliit, kahit sabihin mo na lang kung ano ang business nila. Basta dapat, pareho din (o mas mataas) ang posisyon na apply mo sa iba.
Dapat Basahin: Mga Common Job Interview Questions at Kung Paano Mo Dapat Sagutin (Part 1)
Dapat Basahin: Mga Common Job Interview Questions at Kung Paano Mo Dapat Sagutin (Part 2)
#13 Why are you leaving your current job?
“Bakit ka aalis sa trabaho mo?” Kahit anong sama pa ng pinapasukan mo ngayon o sobrang sungit ng manager mo, wag na wag mong sabihin na yun ang dahilan kaya mo gusto mo umalis. Una, hindi maganda pakinggan na nagsasabi ka ng pangit laban sa employer mo. Isa pa, baka magkakilala pala yung boss mo at nung interviewer. Pag nagkataon, di ka nila tatanggapin.
Di rin advisable na sabihin mo, mababa ang sweldo mo kaya ka aalis kahit yun ang totoo. Kasi, baka tanungin ka, mababa pala bakit ka nagtrabaho dun. Lalaong di mo pwde sabihin na pera pera lang kaya ka nandun. Instead, pwede mong sabihin na ang purpose mo ay career growth, at feeling mo naabot mo na ang peak mo dun sa kanila, at gusto mo pang may natutunan.
#14 Why did you leave your past jobs?
“Bakit ka umalis sa dati mong trabaho?” Actually, halos pareho lang siya ng #13. Kaso dito, ang mas focus ay kung marami ka nang trabahong pinanggalingan, at di mo na pwede sabihing “career growth” pa rin. Hindi na believable. Instead, pwde mong sabiihin na humina na ang volume ng work at marami nang nag resign dahil na demoralize na ang mga tao.
Kung ikaw naman ay natanggal sa trabaho, aminin mo. After all, posibleng malaman nila na pag nagtanong sila sa mga dating employer mo. Pag nagsinungaling ka, pwde ka nilang tanggalin later kahit maayos ang performance mo. Kung natanggal ka dahil pala-absent ka, ipaliawanag mo mabuti at kung paano mo na iiwasan ang absences pag na-hire ka.
#15 Why will you change your career path?
“Bakit ka magpapalit ng career?” Obviously, itatanong lang sayo ito kung iba ang department ng work mo dati kesa sa inaaplayan mo. Halimbawa, Quality Engineer ka ngayon tapos ang apply mo sa Sales Engineer. Kahit pareho silang engineer, magkaiba pa rin ang work nila. So anong meron sa sales na wala sa QA kaya ka lilipat?
Again, wag mo idadahilan ang sweldo kahit yun ang totoo. Isa pa, alam namin nila yun kasi alangan namang lilipat ka ng work kahit mas mababa ang sweldo. Ang mas ok, sabihin mo na mas interesado ka sa bagong career mo at feeling mo, mas marami kang ma-contribute. Yun nga lang, dapat maayos at convincing ang paliwanag mo.
Conclusion:
Sa dami na ng aking na-discuss, posibleng may iba pang mga tanong. Minsan, tinatanong din ang isang applicant kung may tanong siya. Samantalahin mo, magtanong ka ng mga interesting questions gaya ng plano ng company para mas tumagal sila. Again, ang importante maramdaman nila na qualified ka at sincere ka.
Sana makatulong sa iyo ang mga job hunting tips na binanggit ko. At sana i-share mo din ito sa iba. Good luck!
Related Post: 8 Tips Kung Paano Gumawa ng Resume na Makakatulong Para Ma-Hire Ka Agad
Hi po, Ano po kayang magandang sabihin sa hr pag nag aply ulet ako kasi po 5 months po ako sa Dati kong trbaho nag resign po ako ksi ung lady guard namen inaaway ako ngkakasagutan kami tomboy po ung guard.. Sana matulugan nio po ako ty..
ReplyDelete