Saturday, June 9, 2018

Mga Common Job Interview Questions at Kung Paano Mo Dapat Sagutin (Part 2)

Welcome sa Part 2 ng “Common Job Interview Questions at Kung Paano Mo Dapat Sagutin.” Dito, susukatin ang kakayahan mo sa pagharap sa mga problemang posibleng dumating, at kung ano ang ginawa mo na dati. Pero kahit kung fresh graduate ka o first-time job applicant pa lang, malaki pa rin ang maitutulong nito sayo.

Loading...


Gaya ng sabi ko sa Part 1, ang purpose mo ay para matanggap ka. Meaning, dapat mong kumbinsihin yung interview na ikaw ang dapat nilang i-hire. Wag kang kabahan kasi wala naman talagang maling sagot. Ang point lang dito, nasa iyo ba ang lahat ng hinahanap nila para makasama nila sa work? Kaya chill ka lang, at magsabi ng totoo.

#6 What is your greatest professional achievement?

“Ano ang pinakamagaling mong nagawa mo sa trabaho?” Gaya din ng sabi ko, malamang nabasa na ng interviewer ang resume mo. Meaning, gusto lang niya na mas ipaliwanag mo pa ang nilagay mo dun. Kung sa tingin mo, marami ka nang great achievements sa work mo dati, ang banggitin mo lang ay yung related sa inaaplayan mo, na talaga namang malaki ang naitulong sa company.

Halimbawa, ang inaaplyan mo ay ahente, may na-suggest ka ba na diskarte sa dati mong employer para tumaas ang sales nya at tumaas nga nung sinunod nya? Kung machine technician ka, may nagawa ka bang improvement sa dati mong hinawakang machine para tumaas ang efficiency nito? Mas ok kung magbanggit ka din ng figures.

#7 What is your weakness in work?

“Ano ang kahinaan mo sa trabaho?” Sa dami ng na-interview kong mga applicants nung supervisor pa ako, napansin ko karamihan sa kanila, hirap sagutin ito. E paano mo nga ba kasi ipapaliwanag ang kahinaan mo nang hindi sila madi-discourage sayo yung interviewer. Di mo naman pwde sabihing wala. Si Superman nga, meron ikaw pa kaya?

Ganito na lang. Kung hirap ka humarap ka mga foreigner na boss dahil di ka sanay mag English, aminin mo. Pero dapat magbanggit ka din kung paano mo binibigyan ng solusyon ang kahinaaan mo? Pwedeng sabihin mo, nanonood ka ng mga English tutorial sa Youtube o kaya nagbabasa ka ng mga English articles. Did you get my point?

Dapat Basahin: Mga Common Job Interview Questions at Kung Paano Mo Dapat Sagutin (Part 1)



Dapat Basahin: Mga Common Job Interview Questions at Kung Paano Mo Dapat Sagutin (Part 3)

#8 How do you handle pressure at work?

“Paano ka humaharap sa pressure sa trabaho?” Kahit anong klaseng work, may pressure. Matapang na boss, masungit na ka-trabaho, di mo alam kung ano uunahin sa dami ng inuutos, laging OT (overtime) at pagod ka na, target na napahirap abutin, at kung anu-ano pa. Sa present at past na work mo, alin dun ang madalas mong ma-encounter?

Halimbawa, ang pinaka stressful na dinanas mo ay target na mahirap abutin. Kung ikaw ay production supervisor at ang 1,000 pcs. daily target nyo ay ginawang 1,200 pero walang dagdag na tauhan, anong ginawa mo? Nagpatulong ka ba sa technician para bumilis ang mga machines mo? Ano ginawa mo para bumilis ang kilos ng mga tao mo?

#9 Where do you see yourself in the next five years? Next ten years?

“Saan mo nakikita ang sarili mo sa susunod na limang taon? Sampung taon?” Una, hindi ito personal ang tanong, kaya wag mo isasagot na malamang may asawa at ng anak ka na. or msay sarili ka nang business. Ang concern dito, kung ano sa tingin mo sa posisyon mo na sa company. Kasi gusto malaman ng employer kung ano plan mo sa future mo habang nagwo-work ka sa kanila.

Halimbawa, staff ang apply mo. Pwede mong sabihin na sa next 5 years, gusto mong maging supervisor sa company nila. Kung sa next 10 years, e di manager naman. Tapos, magbanggit ka ng mga plano mong gawin para umaangat ang posisyon mo. Gaya ng pagbabasa ng mga related sa products nila o kaya pag-attend sa mga seminars.









#10 What do you like to do outside of work?

Wag ka magtaka ka pag tinanong ka kung ano gusto mong ginagawa pag wala ka sa trabaho. Kasi gusto nilang malaman kung pano ka mag-spend ng personal na oras mo? Bukod dun, gusto din nila malaman kung ang hobbies mo ay peraho ng sa kultura ng mga nagta-trabaho sa kanila. Mahilig ka ba sa sports? Sa sine? Sa video games? O mas gusto mo magpahinga lang sa bahay?

Hindi masamang sabihin mo na kung minsan, umiinom ka kasama mga friends mo. Pero ang hindi dapat, ay yung sabihin mo na inaaabot ka ng medaling araw sa inuman. Kasi, baka isang araw umabsent ka akala nila may hang-over ka lang. Wag ka ding magkunwari na mahilig ka magbasa ng pocket books, kasi baka tanungin ka, wala kang maisagot.

Conclusion:

At dahil ang mga nabanggit na tanong ay tungkol sa past o present work mo, i-review mo ang mga nagawa mo dati. Basahin mo uli ang resume mo, para sure ka na tugma sa mga sasabihin mo. Pero again, wag mo i-memorize ang isasagot mo kasi baka isipin nila nagsisinungaling ka lang. Mas natural nga ang dating, mas kapani-paniwala.

Sana makatulong sa iyo ang mga job hunting tips na binanggit ko. At sana i-share mo din ito sa iba. Good luck!

Related Post: 8 Tips Kung Paano Gumawa ng Resume na Makakatulong Para Ma-Hire Ka Agad


No comments:

Post a Comment