Tuesday, June 5, 2018

5 Mga Mabibigat na Dahilan Kung Bakit Hindi Ka Dapat Gumamit ng Facebook Free Data

Tanggapin mo man ang katotohanan o hindi, tayong mga Pinoy mahilig sa libre. Mula sa pamasahe, sine, meryenda at ngayon naman sa Internet. Sino ba aayaw sa libre? Kaso, napansin ko di lahat ng libre e dapat, gaya ng Internet. Katunayan, maraming mabibigat na dahilan kung bakit dapat mong iwasan o hindi ka na talaga gumamit ng Facebook free data.

Loading...


In case di mo pa alam, noong March 2015 pa ni-launch ng Facebook ang free Internet service o mas kilala nating mga Pinoy na free data. Ang katwiran noon ni Facebook CEO Mark Zuckerberg, para daw mas madali ang maka connect ang mga tao sa isa’t isa, lalo na sa isang third-world country na gaya ng Pilipinas. Ok na sana, di po pa?

Ibig sabihin kasi, kahit G na G (gipit ka gipit) ka, pwde kang mag Facebook at Messenger sa phone mo. Pero dahil libre, limited lang access mo. Kasi unfair naman yun sa mga gumagastos tapos pareho lang kayo ng benefits. Ano ka, sinuswerte? Ang mabigat pa nito, mas marami ang disadvantages ng free data kesa sa magpa load ka.



#1 Pwede ka makatulong sa pagkalat ng mga fake news

Sa free data kasi, halos di mo pwede i-visit ang isang website maliban na lang kung may app sila. Kaso, dahil ang mga fake news websites ay walang app, most likely headline lang ang mababasa mo. Madalas nga, kahit photo ng balita, di mo ma-view. At dahil naantig ang damdamin mo sa headline ng fake news, ishe-share mo na lang basta basta. Malamang nga, ginagawa mo din yun minsan.

#2 Hindi ka pwede gumamit ng Google

Dahil nga limited access ka lang sa Internet, di ka pwede mag Google. So di mo ngayon ma-verify kung totoo o fake news ang nakita mo. Bukod sa fake news, may mga luko-lukong gumagawa ng memes na fake ang content. Tapos, magtatanong ka ngayon sa comment. Malamang, magkaroon ka ng mga haters at baka mapa-away ka pa.

#3 Pinapatay mo ang maraming negosyo

Oo, pinapatay mo ang maraming negosyo nang di mo napapansin. Ganito kasi yun. Dahil libre nga ang FB, so mas lalo kang gagamit. E paano naman ang mga kalaban nya? E di nga-nga lang! At dahil nga limited access, kailangan pang magbayad ang mga website owners sa Facebook ads para lang mabuksan mo ang websites nila.

#4 Kinukunsinti mo ang Facebook na hindi patas kung lumaban

Sa English, may tinatawag na Net Neutrality. Sabi sa Wikidepedia, ito ay ang responsibilidad ng mga Internet service providers (ISP) na mag-alok ng patas na laban sa Internet. Pero dahil naka free data ka lang, kinukunsinti mo ang Facebook na maging swapang o hindi patas sa laban. Kung Ok lang sayo yun at wala kang pakialam, meaning makasarili ka.



#5 Maling paraan ng pagtitipid

Alam ko mahirap ang kumita ng pera, pero tingin ko ang paggamit ng Facebook free data ay maling paraan ng pagtitipid. Masa marami kang matutunan sa Google kesa sa FB. Tsaka, may pambili ka ng magandang smartphone, tapos naka free data ka lang. Ano yun? Isa pa, ang dami nang murang promo ang globe at Smart ngayon. I-Google mo lang.

Conclusion:

Uulitin ko lang, walang masama sa libre pero may times na dapat gumastos tayo. Hindi rin ako binayaran ng Globe o Smart para kumbinsihin na magpa load kayo. Ang akin lang, di hamak na mas ok kung makakapag Google ka. At para sa inyong kaalaman, ipinabawal na ng India ang Facebook free data sa kanila. Sana, dito sa atin sa Pilipinas, ipagbawal din.


No comments:

Post a Comment