Sunday, June 10, 2018

Suicide: 7 Mga Importanteng Bagay Na Dapat Mong Malaman Na Akala Mo Alam Mo Na

Balita ngayon sa buong mundo ang pag pagpapakamatay ng 61-taong gulang na sikat na American chef at TV personality na si Anthony Bourdain. Natagpuan ang ang kanyang bangkay sa kanyang hotel room sa France nitong Friday, June 8. Gaya ng inaasahan, marami ang nagulat at nalungkot. Kaya ngayon, naisip kong i-share ang nalaman kong mga importanteng bagay tungkol sa suicide, na napapansin ko, marami pa ang di nakakaalam.

Loading...


Hindi sya ang unang celebrity na nagpakamatay. Nag-sucide din ang comedian na si Robin Williams noong 2014 sa edad na 63. Nito lang June 5, winakasan ng sikat ng American fashion designer and negosyanteng si Kate Spade ang kanyang buhay sa edad na 55. Pareho silang tatlo na nag suicide sa pamamagitan ng pagbigiti sa sarili.

Ayon sa pinaka latest na data, mula 1999 hanggang 2016, tumaas ng 25% ang suicide rate sa Amerika. Dito sa Pilipinas, ang tinatawag na age-standardized suicide rate ay 5.8 para sa lalaki, 1.9 para sa babae, at 3.8 para sa parehong kasarian, ayon sa 2017 data ng World Health Organization (WHO). Pitong Pinoy ang nagpapakamatay araw-araw.

Kabilang sa kilalang Pinoy na nag suicide ay sina dating artista na si Maria Theresa Carlson, Alexander Robert Santiago (anak ng yumaong senador Miriam Defensor-Santiago), Trinidad Etong Failon (asawa ng broadcaster na si Ted Failon), 15-anyos na artista na si Julia Louise Buencamino, at dating AFP chief at Defense Secretary Angelo Reyes.



Ang problema sa marami sa atin, ang tingin sa nag-suicide ay tanga o duwag. ”Mayaman siya, o kaya maganda, o kaya bata pa, bakit nagpakamatay?” Ganun madalas naririnig ko. Kasi nga, marami silang di alam tungkol sa suicide, tapos akala nila alam na nila. Kaya sana, mabasa nila ito muna mabuti bago sila humusga.

#1 Ang sucide ay hindi lang dala ng kahirapan sa buhay

Totoo, may mga nagpapakamatay dahil sa sobrang hirap ng buhay at nawalan na ng pag-asa. Pero alam natin na pati sa mga mayayaman, may nagpapakamatay din. Ibig sabihin nga, di porket mayaman at sikat ay masaya sa buhay, at imposibleng mag-suicide. Patunay yan na hindi lahat ng bagay, nabibili ng pera.

#2 Walang pinipili ang suicide

Ayon sa data, ang suicide ay walang pinipili. Matanda, kabataan, lalaki, babae, tomboy, bakla, mahirap,.mayaman, mataas ang pinag-aralan, di nakapag-aral, maputi, maitim, matangkad, pandak, mataba, payat. Pwdeng magulang mo, kapatid mo, best friend mo, o ikaw mismo. In short, kahit sino pa, posibleng makaisip magpatiwakal anytime.

#3 Di lahat ng mga teenager na nagsu-sucide ay addict o OA lang sa buhay

Totoo din na may kabataan na nag-sucide ay addict. Pero hindi porket, hindi nagda-drugs, di na makakaisip wakasan ang buhay niya. Mali ding sabihin na OA (over-acting) lang sa buhay ang isang teenager kaya siya nagpakamatay. Pwde kasi na ang isang bagay ay balewala sa ating mga adults pero sa kabataan, malaking bagay na pala.

#4 Pag nakaligtas sa suicide, pwede uliting magtangkang mag-sucide

Akala ng marami, porket nakaligtas nung nag attempt magsuicide, di nya uulitin pa kasi natakot na, at magbabalik-loob na daw sa Diyos. Talagang nakakatulong ang pananampalataya, pero tandaan natin na ang isang suicidal na tao ay may personal na problema. Ok lang ipagdasal mo siya syempre, pero dapat tulungan mo din siya.

#5 Di porket binabanggit ang suicide, naiisip nang magpapakamatay

Ayon sa mga experts, walang ebidensya na magpapatunay na isang taong nagbabanggit ng tungkol sa sucide ay magpapakamatay na. Ang suggestion pa nga nila, mas ok daw kung tanungin mo sya kung anong nasa isip nya tungkol dun. Pag ginawa mo daw ito, mas binibigyan mo sya ng pagkakataon na umiwas na mag-suicide.

#6 Di lahat ng may problema sa isip ay nag-iisip na mag-suicide

Ang paniniwala ng iba, pag na diagnose na daw ang isang tao na may mental disorder ay suicidal na. Sabi ng experts, maraming may mental disorder na kailanman di nagbabalak nang magpakamatay. Dadag pa nila,depression o sobrang kalungkutan ang major reason kung bakit may mga taong nakakapag-isip na wakasan na ang kanilang buhay.

#7 Ang taong balak mag suicide ay may warning signs

Pag may kilala tayong nagpakamatay, nagugulat tayo at sasabihin natin, “Nung isang araw lang mukhang ang saya-saya nya, parang walang problema!” Ayon sa mga experts, may mga suicidal na magaling magtago ng problema, kaya akala ng mga tao sa paligid nya, hindi sya suicidal. Ganunpaman, pero meron namang mga palatandaan ang posibleng pagpapakamatay na madali nating mapapansin.



Mga Babala ng Suicide:

* Naging sobrang malungkutin
* Biglang pababago-bago ang ugali
* Hirap na makatulog ng maayos
* Wala nang ingat kung kumilos, gaya ng madalas na wrekless driving
* Lumalayo sa pamilya, mga kaibigan, o lipunan
* Pakiramdam nila ay wala na silang silbi at pabigat na sa iba
* Halatang sinasaktan ang sarili. Nagiging lasenggo o drug addict
* Unti-unting nawawalan ng pag-asa sa buhay
* Paghahanda sa posibleng pagkawala
* Nananakot na saktan ang sarili o magpapakamatay
* Naghahanap ng gamit na pwdeng gamitin sa suicide

Conclusion:

Ang issue ng suicide ay isang malaking problema na dapat nating seryosohin. Kung may kapamilya o kaibigan kayo na may mga sintomas na balak magpakamatay, kausapin agad at making sa kanya. Dito pumapasok ang kahalagahan ng maayos na communication. May mga pagkakataon din na kailangan na nila ng therapy o special counseling.

Noong March 2016, nag launch ang Department of Health, WHO at Natasha Goulbourn Foundation (NGF) ang Hopeline, para makatulong sa mga , depressed, suicidal o may mental health problem. Pwde nyo silang tawagan anumang oras sa (02) 804-4673 (HOPE); 0917-5584673; at 2919 para sa Globe and TM subscribers. Bawa’t buhay ng mahalaga, mahalin natin.



No comments:

Post a Comment