Loading...
#1 Tanggapin mo na may problema ka
May mga taong mataas ang pride, at ayaw aminin na may problema sila. Pag ginaya mo sila, di mo talaga maso-solve ang problema mo. Halimbawa, kung iniwan ka ng boyfriend o girlfriend mo o ng asawa mo, kung masakit sayo, tanggapin mo at wag kang magkunwari. Walang masama kung umiyak o sumigaw ka, pero dapat mag move-on ka.
Pwedeng di mo magustuhan ang sasabihin ko, pero ito ang totoo. Pag tayo ay nawalan ng mahal natin sa buhay, nawalan ng trabaho, nanakawan, nasunugan, na friendzone (nabasted), akala natin yun ang problema. Pero ang tunay na problema, malungkot tayo o masama ang loob natin. Di na natin maibabalik ang nakaraan, tanggapin na lang natin.
#2 Alamin mo ang tunay na problema
Pag tanggap mo na may problema ka, medyo gagaang na ang pakiramdam mo. Ngayon, simulan mo na mag-isip kung ano ba ang tunay na problema. Ibig sabihin, alamin mo ang pinanggalingan ng problema. Bakit ka ba nanakawan? Bakit ka ba nya iniwan? Bakit ka ba na friendzone? Baka naman may mali ka din na dapat mong baguhin.
Medyo masakit pero kailangan mong balikan ang mga pangyayari para ma analyze mo ang posibleng pinagmulan ng problema. Baka nag kulang sa panahon sa asawa mo kaya siya sumama sa iba, baka kung saan-saan mo lang nilapag ang bag mo habang nasa mall ka at di mo binantayang mabuti kaya nanakaw. Pero wag mo naman sisihin sarili mo.
#3 Hanapan mo ng tamang solusyon
Sa bawa’t problema, pwdeng iba iba ang solusyon. Pero pag hindi tama ang solusyon mo, posibleng madagdagan lang ang problema mo. Halimbawa, marami kang utang, tapos nangutang ka sa iba para may pambayad ka ng utang. Tama lang yun pero dapat temporary lang. Kung kulang ang kita, maghanap ka ng additional na pagkakakitaan.
Halimbawa, meron kang di nakasundo sa trabaho at parang di mo na siya ma-take kasama araw-araw. Magre-resign ka ba agad kahit wala ka pang malilipatan at wala kang ibang source of income? O baka naman pwede kayo mag-usap ng maayos para ma-solve nyo problema nyo sa isa’t isa. O baka pwde ka magpalipat ng department.
#4 Maging critical thinker
Hindi masama maging positive thinker sa pag-solve ng problema. Ang kaso, malamang di mo maisip ang magiging negative effect ng solusyon mo. Lalong pangit kung puro ka duda na baka mali ang solusyon mo. So para sa akin, mas ok kung timbangin mo muna mabuti ang positive at negative bago ka mag decide. Yun ang pagiging critical thinker.
Halimbawa, kelangan mo ng extra income tapos inalok ka ng kaibigan mong sumali sa isang legit na networking business. Successful ang kaibigan mo kasi magaling siya magsalita sa harap ng maraming tao, at malakas ang PR nya. Medaling sabihin na kaya mo din, pero ang tanong, pinaghahandaan mo ba o akala mo lang na kaya mo nga?
#5 Gamitan mo ng logic
Sa pag-solve ng kahit anong problema, dapat gamitan ng logic di pwede basta emosyon lang. Ibig sabihin, tanungin mo sa sarili mo, “Maso-solve ba talaga ang problema ko o magiging masaya lang ako? Minsan kasi, may mga bagay na ayaw nating gawin pero kelangan nating gawin kasi yun ang tamang solusyon. Mamili ka.
Ang problema ay parang math, may logic. Pwdeng di ka mahilig sa math pero dapat matuto kang mag-analyze ng malalim sa isang problema. Di pwedeng sabi ni ganito, ito daw ang tama, pero di pala applicable sayo. Ok lang humingi ng advice o magpatulong ka, pero matuto kang mag-research ng sarili mo at maging resourceful ka. After all, ikaw lang naman talaga ang nakakaalam ng tunay mong problema.
Conclusion:
Gaya mo, marami din akong problema. Pero dapat wag tayo sumuko. Tandaan mo, pag may problema, may solusyon. Pag walang solusyon, hindi sya problema, akala mo lang problema sya. Tandaan mo din, may mga bagay na di natin kontrolado. At may mga problema na mahirap talaga i-solve. Ang importante, itodo mo ang lahat ng makakaya mo at wag ka mawalan ng pag-asa.
Kaya natin yan!
No comments:
Post a Comment