Saturday, June 9, 2018

Mga Common Job Interview Questions at Kung Paano Mo Dapat Sagutin (Part 1)

So nag-apply ka ng trabaho at tinawagan ka na for job interview. Ihahanda mo na ang isusuot mo at matutulog ka nang maaga para maaga ka magising. Kung first-time job applicant ka, narito ang mga karaniwang tanong sa job interview at paano mo sila dapat sagutin, Kung medyo marami ka nang naaplayan at bagsak ka pa rin, para sa iyo rin ito.

Loading...


Pero dapat mag-search ka muna tungkol sa company at sa posisyon na inaplyan mo. Kasi habang sinasagot mo yung mga job interview questions, may idea ka na sa mga isasagot mo. Isa pa, kung more or less alam mo ang mga itatanong, wag na wag mo imemorize ang mga isasagot mo. Dapat natural ang dating mo sa mag-iinterview sa iyo.

#1 Can you tell me a little about yourself?

“Pwde ka ba magkwento ng konti tungkol sa iyo?” Hindi ka sasali sa isang beauty contest, kaya di mo kailangang ikwento ang drama ng buhay mo. Instead, ikwento mo ang kasalukuyan mong ginagawa at mga achievements na related sa inaaplyan mo. Sa ganun, ma impress sayo yung interviewer. Dapat din maigsi lang pero malalim ang laman, at makipag eye-to-eye contact ka sa interviewer.

Dapat mo ding sabihin kung ano ang plano mo sa career mo, lalo na kung matatanggap ka. Ano pa ba gusto mong matutunan? Ano ang mga kaya mong itulong sa company? More or less, nabasa na ng interviewer ang resume mo kaya dapat yung mga sagot mo ay ayon yun sa sinulat mo doon. Tsaka relax ka lang. Di ka naman nya kakainin e.

Dapat Basahin: Mga Common Job Interview Questions at Kung Paano Mo Dapat Sagutin (Part 2)



Dapat Basahin: Mga Common Job Interview Questions at Kung Paano Mo Dapat Sagutin (Part 3)

#2 How did you hear about the position?

“Paano mo nalaman na may bakante dito?” Sabihin mo kung nalaman mo sa kaibigan mo, kung may kilala ka na nagtatrabaho sa kanila, o sa kung sa ads ba. Ito din ang tamang timing para malaman ng interviewer na nag-research ka tungkol sa company, kasi iisipin niya na interesado ka talaga mag work sa kanila. Iparamdam mo din na excited ka.

Pwede mo ding idagdag na naniniwala ka goal (o layunin) at mission ng company. At para magka idea ka kung ano ang mga yun, puntahan mo ang “About” page ng company website nila. Minsan, may hiwalay ng page para sa “Goals” at ”Mission.” Pero syempre, dapat naiintidihan mo din ang products o services sa business ng company.

#3 Why did you choose us to apply for?

“Bakit sa amin ka nag-apply?” Gaya ng sabi ko, dapat mong ipaaalam ang mga nagustuhan mo sa company. Kung maraming benefits ang offer nila, pwede mong banggitin yun pero dapat hindi para sa pansariling kapakanan ang sagot mo. Instead, pwede mong sabihin na marunong silang magpahalaga sa serbisyo ng mga empleyado nila.

Pwede mo ding sabihin na base sa previous job experience mo o natapos mo sa school, malaki ang maitutulong mo sa pag laki ng company. Tandaan mo, kaya ka iha-hire kasi tingin nila may potential ka at gustong gusto mo ang magiging trabaho mo. Kaya nga dapat, wag ka mag-apply sa trabaho dahil lang sa sweldo at mga benefits.







#4 Why should we hire you instead of the others?

“Bakit ikaw ang iha-hire namin at hindi yung iba?” Sa experience ko bilang dating supervisor at nag-interview ng mga job applicants, napansin ko na dito maraming hirap sumagot. Pero ang totoo, ito ang pinakamagandang timing para i-bida ang sarili mo. Pero syempre, dapat humble ang dating mo at hindi mayabang. Kumbaga, confident lang.

Tatlong mahahalagang puntos ang dapat mong iparating. Una, kaya mong magbigay ng maayos na resulta ang trabaho mo. Ikalawa, kaya mong pakisamahan ang mga magiging ka-trabaho mo. Ikatlo at pinakaimportante sa lahat, ano ang tingin mong kakaiba na meron ka na mas magiging kapaki-pakinabang ka kesa sa ibang aplikante.

#5 What are your greatest professional strengths?

“Ano ang mga pinakamagaling mong strength sa trabaho?” Again, ang purpose mo ay para matanggap ka, kaya dapat matuwa ka pag tinanong sayo ito. Pero dapat yung totoo lang ang sasabihin mo at hindi yung magpa-impress ka lang para ma-hire ka. Isa pa, ang tanong ay tungkol sa kakayahan mo sa trabaho, hindi sa personal na buhay mo.

Ibig sabihin, di mo pwdeng sabihin na masipag ka at matyaga ka lang. Maging specific ka. Halimabawa, ang apply mo ay clerk. Sabihin mo kung anong alam mo sa MS Word, Excel, etc. Kung technician ka, sabihin mo yung mga equipment na kabisado mo gamitin. Kung welder ka, anong mga welding machines na ang gamay na gamay mo na?

Conclusion:

Kung English ang tanong, dapat English din ang sagot mo, lalo na kung supervisor pataas ang apply mo. Pero pwede mo din naman haluan ng konting Tagalog. Kung Tagalog ang tanong, Tagalog din ang sagot mo. Wag ka mag trying hard sa English kung hirap ka lang naman. Ang importante, ma-explain mo lang ng maayos ang gusto mong sabihin.

Sana makatulong sa iyo ang mga job hunting tips na binanggit ko. At sana i-share mo din ito sa iba. Good luck!

Related Post: 8 Tips Kung Paano Gumawa ng Resume na Makakatulong Para Ma-Hire Ka Agad


25 comments:

  1. Thank you for giving me a good tips for inteview.

    ReplyDelete
  2. Salamat po at naunawaan Kong mabuti☺️

    ReplyDelete
  3. Sobrang swabe napaka general ng explanation ☺️

    ReplyDelete
  4. Salamat po dahil malaking tulong po ito sameng mga applikante.

    ReplyDelete
  5. Thanks po malaking tulong pa ito para samin na mga applikante..❤❤

    ReplyDelete
  6. Salamat po makakatulong po ito sa mock interview project namin

    ReplyDelete
  7. thank you po..,kc pinapaliwanag nyo ng maayos ung mga dapat isagot sa tanung.

    ReplyDelete
  8. nice!! I will be having a job interview on Monday, March 8..
    medyo nawala yung kaba ko. hehehe thank you po

    ReplyDelete
  9. ano pong magandang isagot sa tanong na What are your major strengths and weaknesses? What are your expected salary and Do you have questions for us?

    ReplyDelete
  10. Ang swabe gravi, napaka smooth ng mga explanation thank you so much 🤍

    ReplyDelete
  11. Salamat Ng marami PO. Feeling ko tuloy parang kausap lang Kita.. natawa ako sa sarili ko. Parang NASA harap lang ..

    ReplyDelete