Loading...
Bago ako tumuloy, gusto ko lang i-clear na straight na lalaki ako na wala akong anak na LGBT. Pero sa tanda kong ito, marami na akong nakasalamuha at nakasama sa trabaho na bakla at tomboy, at so far, ok naman sila. Isa pa, ang mga mabababasa nyo ay hindi ko lang basta opinyon o gawa-gawa, kundi base sa pag-aaral ng mga experts.
Sexual orientation vs gender identity
Dito pa lang sa kung ano pagkakaiba ng sexual orientation sa gender identity, masakit mang sabihin pero marami pa rin ang ignorante tungkol dito. Kung isa sa kanila, itigil mo muna kung ano man ang ginagawa mo, at medyo mahaba ang mga ipapaliwanag ko. Kung wala ka namang pakialam, dapat makialam ka para maliwanagan ka, ok?
Ano ang sexual orientation?
Ayon sa American Psychological Association (APA), na pinakamalaking scientific at professional organization ng mga psychologists sa Amerika, ang sexual orientation kung kanino ka attracted na makarelasyon, romantically, emotionally, at sexually.
* Heterosexual (o Straight) – Lalaki na attracted sa babae, o babae na attracted sa lalaki
* Homosexual (o Gay) – Taong attracted sa opposite gender, gaya ng bakla at tomboy. Dito sa atin sa Pilipinas, mali ang nakasanayan natin na ang gay ay bakla lang.
* Bisexual – Mga taong parehong sexually attracted sa lalaki at babae
* Transgender – Mga taong ang kanilang gender identity ay iba sa kanilang kasarian nung pinanganak sila, or assigned sex at birth.
* Genderqueer – Mga taong di nila itinuturing ang sarili na lalaki o babae, o mga taong pwdeng maging parehong lalaki at babae. Kaya ngayon, ang LGBT ay naging LGBTQ na, kung saan ang ibig sabihin ng Q ay ‘queer o questioning.’
* Asexual - Mga taong kulang o walang sexual attraction sa babae man o sa lalaki. Pero hindi naman ibig sabihin na hindi sila pwede ma in-love o magkaroon ng ka relasyon.
Ano ang Gender identity?
Ang gender identity ay kung ano ang pagkakilala mo sa iyong kasarian, kung ano ang tunay na nararamdaman mo, at kung paano mo ine-express ang sarili mo, sa kilos mo, sa pagsasalita mo, etc. Ibig sabihin, pwdeng pareho ito o magkaiba sa iyong kasarian nung pinanganak ka, lalaki ka man o babae.
Sa unang tingin, tatlo lang ang klase ng gender identity – Lalaki, babae at third gender. Ibig sabihin, ikaw ang alanganing babae o lalaki. Pero sa paglipas ng panahon, marami pang natuklasang mga uri ng gender identities, depende sa kultura ng bansa kung saan sila naroroon. Actually, as in marami talaga pero ilan lang sa kanila ang i-explain ko.
* Agender – Mga taong walang kinikilang gender sa sarili, o tinatawag na genderless.
* Androgyne – Mga taong sabay na maging lalaki at babae. Pwdeng pantay o mas lamang ang pakiramdam nya sa isa dun sa isa.
* Bigender - Mga taong pwedeng sabay na maramdaman ang pagiging lalaki at babae, pero pwde namang pabago-bago.
* Transgender Man – Mga ipinanganak na babae pero naging lalaki na. Pwedeng nag desisyon silang dumaan sa gender reassignment surgery para mabago ang kanilang ari, at pwede din namang sa mga papeles lang nila.
* Transgender Woman – Mga ipinanganak na lalaki pero naging babae na. Pwedeng ding nag desisyon silang dumaan sa gender reassignment surgery para mabago ang kanilang ari, at pwede din namang sa mga papeles lang nila.
* Intersex – Mga taong ipinanganak na ang kanilang biological organs at reproductive anatomy ay hindi sapat na pambabae o panlalaki. Maraming uri ng intersex, depende sa kundisyon ng tao. Pwedeng malaman ito agad o pwdeng kung kelan lumaki na ang bata.
Dapat Basahin: Mga Importanteng Bagay na Dapat Mong Malaman Tungkol sa LGBT Bago Mo Sila Husgahan (Part 2)
Bakit may bakla at tomboy?
Sa ngayon, wala pang matibay na scientific proof kung bakit may bakla at tomboy. Pero ayon sa mga scientists, posibleng malaking parte ang tinatawag na biology. Ibig sabihin, pwdeng sa genes, hormones at brain structure, bago pa man ipanganganak ang isang tao. Ibig ding sabihin, ang sexual orientation at hindi isang personal choice.
Wala ding malinaw na ebidensya na pag isang batang lalaki ay mahilig sa manika, magiging bakla siya. Hindi din daw palaging makikita sa isang batang babae na lalaki siyang tomboy o tunay na babae. Isa pa. Madalas, bata pa lang, madali na mahalata. pero pwede din daw kasi na late na lalabas ang tunay na sexual orientation mo.
Ang isang malinaw dito, hindi mo na pwedeng baguhin kung ano ang isang tao. Kung bakla ka, bakla ka talaga. Ganun din sa tunay na lalaki, tunay na babae, at sa tomboy. Ibig sabihin, kahit one to sawa ka magpa therapy o patayin ka paulit-ulit ng tatay mo, hindi ka na magbabago. Ang isa pang sigurado, hindi baliw ang mga myembro ng LGBT.
Noong 1973, isang American psychiatrist na nagngangalang Dr. Robert L. Spitzer ay nagpatunay na ang pagiging bakla o tomboy ay hindi pwdeng tawaging mental illness. Pero noong 2001, naglabas uli siya ng kanyang study, na di umano, ang pagiging bakla o tomboy ay pwdeng baguhin sa pamamagitan ng isang “conversion therapy.”
Pero kinontra siya ng matindi ng mga taga APA. Kaya noong 2012, nag sorry si Dr. Spitzer at sinabi nyang palpak ang study na ginawa niya. Nung 2017, sumikat ang kanta ni Moira Dela Torre, na “Titibo-tibo,” na tungkol sa isang boyish na naging tunay na babae nung na in-love sa isang lalaki. Pero ayon sa mga LGBT, mali ang mensahe ng kanta at nakakadagdag lito lang.
Conclusion:
Gaya nang binanggit ko, ang sexual orientation ng isang tao ay permanent ay hindi pwde baguhin kahit kelan. Meaning, wala kang choice kundi tanggapin na parte na sila ng society natin, kahit saang parte ng mundo, ano man ang religion mo. Katunayan, may mga pari at sundalong bakla at tomboy. Ang importante ay kung paano sila bilang tao.
No comments:
Post a Comment