Tuesday, June 5, 2018

Mga Tamang Paraan Kung Paano Gamitin ang Google Search (Part 1)

Napansin ko na sa dami ng Pinoy ngayon na may smartphone at Facebook, marami pa rin ang hindi marunong gumamit ng Google Search o kaya nalilito pa. Sa tingin ko, isa itong malaking dahilan kung bakit marami ang mga nabibiktima ng scam at napapaniwala ng fake news. Kaya naisip ko, i-share ang alam ko na mga tamang paraan ng paggamit ng Google Search.

Loading...


Una sa lahat, ang Google ay tinatawag sa English sa ‘search engine.’ So kumbaga, para siyang isang malaking library sa Internet. Actually, maraming kalaban ang Google gaya ng Yahoo, Bing, at iba pa. Pero kumbaga sa smartphone, pare-pareho lang sila ng gamit pero panis silang lahat sa Google. Kaya mas ok kung Google ang ituturo ko.

Gaya ng sabi ko, ang Google ay parang isang library. Kaso imbes na library card, ang kailangan mo lang ay i-Enter ng mga nararapat na salita. Sa English, ang tawag dun ay ‘keywords.’ Sa totoo lang, madali lang naman. Kaso nga lang, pag di mo alam ang tamang paraan, matatagalan ka bago mo pa makita ang gusto mong i-search.

At oo, halos lahat ng information na gusto mong malaman ay makikita mo sa Google. Mula sa balita, history, laman ng Bible, at mga product at services. Ngayon nga, pati mapa meron na. Isa pang maganda, marami nang information na available sa wikang Tagalog, gaya ng sinusulat ko ngayon. Pwede ka ding gumamit ng Google Translate.



Lesson 1: Pano mag-search sa Google ng basic information

Kung gusto mong makabasa ng tungkol sa isang tao gaya ni President Duterte, i-Enter mo lang ang “President Duterte” sa Google Search at tyak maraming lalabas. Pero kung gusto mong mas specific ang mabasa, dapat specific din ang “keywords” mo. Halimbawa, gusto mong malaman ang edad nya, i-Enter mo “President Duterte age”.

Kung gusto mo namang malaman kung paano gawin ang isang bagay, gamitan mo ng “How to”. Halimbawa, gusto mong matuto gumamit ng sign language, i-Enter mo lang “How to use sign language.” Kung may particular kang website na gusto mong puntahan, i-Enter mo lang yung pangalan ng website. Ganun lang siya ka-simple.

Ang maganda ngayon sa Google, mas madali na ngayong mag search. Kung mapapansin nyo, meron nang All, News, Image, Videos, Shopping at iba pa na pwede nyong pagpilian. Ang isa pang maganda, habang tina-type mo ang keywords mo, may mga lumalabas nang ibang keywords para mas mabilis kang mag search, ayos ba?



Lesson 2: Paano magsearch sa Google kung totoo ang balita o fake news lang

Kung aasa ka lang sa Facebook ng balita, malamang maloloko ka na ng fake news. Ang totoo, hindi lang sa Pilipinas may fake news, sa ibang bansa din lalo na sa US. Ang fake news kasi, ginawa para tirahin ang emotions mo. So ang tendency, maniwala ka agad at i-Share mo na kahit di mo pa sure kung totoo nga o hindi, agree ba kayo?

Simple lang naman ang paraan kung paano mo masigurado na hindi fake news ang nabasa mo sa Facebook. Halimbawa, may nag post sa Facebook na “Bongbong Marcos, tinanghal na ng Comelec bilang Vice President.” Ang i-Enter mo sa Google, “Comelec declares Bongbong Marcos as vice president.” At ang importante, basahin nyo mabuti yung laman ng balita, wag headline lang.
.
Kaso lang, may mga fake news na website na lumalabas din minsan sa Google. So para sure, ang basahin mo lang ay yung mga major news websites gaya ng ABS-CBN News, GMA News, Manila Bulletin, etc. Alam ko na may mga ilang bias na news websites, pero kung ganito kalaki ang balita, imposibleng magsulat sila ng ganitong fake news.



Dapat Basahin: Mga Tamang Paraan Kung Paano Gamitin ang Google Search (Part 2)

Marami pa ako sanang gusto ituro sa inyo. Pero dahil medyo mahaba na ang post ko at baka nabo-bored na kayo, tingin ko mas ok kung lagyan ko ito ng Part 2. Kung gusto nyo basahin, paki click o tap lang yung link na nasa itaas. At sana i-Share nyo din ang post ko para mas dumami pa ang Pinoy na matutong gumamit ng Google Search.


No comments:

Post a Comment