Loading...
Sa mga hindi nakapanood sa video, ganito ang nangyari. Patapos na ang speech ni President Duterte nang sinabi nyang handa syang ibigay sa isang Pinay ang librong "Altar of Secrets: Sex, Politics, and Money in the Philippine Catholic Church" na isinulat ng yumaong si Aries Rufo. Kaso, ang kapalit ng nasabing libro ay isang halik.
Maya maya, dalawang babae ang umakyat sa stage. Yung isa, beso beso lang. Pero yung isa, maririnig na tinanong siya ni President Duterte kung dalaga pa siya. Nung sinabi nitong meron pero wala doon, sabi ng pangulo, “Sabihin mo sa kanya biro lang ito ha!” At yun nga, nag kiss ang dalawa sa lips (smack lang) at nag hug pagkatapos.
Mapapansin din na pumayag ang babae at parang kinilig pa nga. So meaning, ok lang sa kanya na hinalikan siya ng pangulo sa labi sa harap ng mraming tao. Maririnig din na tuawang tuwa ang mga tao, ibig sabihin para sa kanila, walang malisya ang nangyari. Isa pa, kilala si President Duterte na palabiro sa mga babae kahit noong kampanya pa lang.
Dapat Basahin: Open Letter kay Mocha Uson sa Ninoy Kissing Video, "Saan Nakalagay ang Utak Mo?"
Bago ako tumuloy, nilawin ko lang. Ang opinyon ko ay walang halong politika. Ang tutukan natin ay ang issue - Ok lang ba na halikan ng isang presidente ang isang babae sa labi sa harap ng publiko? Totoo, walang malisya dun sa babae at para naman kay President Duterte, entertainment lang yun. Pero kailangan ba talagang gawin niya yun?
Sa mga hindi nakakalam, nasangkot sa isang malaking iskandalo ni dating US President Bill Clinton nung unang termino nya. Nabulgar lang ito nung 1998 sa kanyang ikalawang termino. Kinaluan, umamin sina Clinton at Monica Lewinsky, isang 22-anyos na naging intern sa White House. Pero nanindigang hindi sila nagtalik kundi BJ lang.
At gaya ni President Duterte, may asawa si President Clinton nung time na iyon. Siya si Hillary Clinton, na tumakbong presidente noong 2016 at tinalo ni President Donald Trump. Kaugnay nasabing iskandalo, nagkaraoon ng impeachment trial laban kay Clinton pero na abswelto sya at natapos nya ang kanyang ikalawang termino.
Balik tayo kay President Duterte. Sa aking palagay, hindi Ok ang paghalik ni President Duterte dun sa babae kahit pa smack lang. Una, pangulo siya at hindi entertainer. Ikalawa, kailangan nyang maging role model sa bawat Pilipino. Kung sasabihin nating Ok ang ginawa nya, ibig sabihin nun pwede nyang gawin yun kahit kelen nya gusto.
Ikatlo, tanggap ko na si President Duterte ay palamura at expression niya lang yun lalo na pag galit siya. Nagmumura din ako so ok lang yun. Pero never akong manghahalik ng babae sa harap ng maraming tao. Di ba tayo nga, pag nakakakita ng naghahalikan sa kalye, napapatingin tayo at nabibiro pa nag mag motel na lang sila.
Ika-apat at pinaka importante, kung sasabihin nyo na ok yun, ok lang ba kung ang babaeng hinalikan nya ay nanay mo, asawa mo, kapatid mo o anak mong babae? Kung sayo yun, sa akin ay hindi. Gaya na palagi kong sinasabi sa mga anak ko, masasabi mo lang na ok o tama ang isang gawain kung applicable ito sa lahat. Walang exemptions.
No comments:
Post a Comment