Loading...
Lesson 3: Paano magsearch sa Google kung scam ang inaalok sayo
Hindi ko naman sinasabi na lahat ng nag-aalok ng product o business ay scam. Pero kung sa Facebook ka lang magre-rely ng mga product o business gaya ng networking, mas madali kang maloloko. At yung pinaghirapan mong pera, nanakawin lang at malabo mo nang mabawi. Kaya ang pinakamabisang paraan, i-Google mo muna.
Halimbawa, inalok kang sumali sa isang MLM networking business kung saan ka daw kikita ng malaki kahit wala halos effort at maliit lang ang puhunan. Actually, dapat doon pa lang dapat magduda ka na. Pero para sure ka, i-Enter mo sa Google ang pangalan ng company at dagadagan mo ng “scam or legit.” Halimbawa, “Emgoldex scam or legit”.
Kung may nakita ka naman sa Facebook na nag-aalok ng trabaho sa online man o abroad, ganun din ang gawin mo. I-Enter mo yung pangalan ng company o kaya yung mismong pangalan ng nag-aalok sayo. I-search mo kung totoo ba doon siya talaga nagta-trabaho at kung authorize siya mag-recruit.
Lesson 4: Paano magsearch sa Google kung maayos ang isang product o service
Posibleng legit o totoo naman ang inaalok sa iyong product o service sa social media. Pero ang tanong, effective ba talaga o maraming reklamo? Applicable ba sa iyo o may hindi nabanggit na information na dapat mong malaman? Kaya mas makakaiwas ka kung i-search mo muna sa Google. Tapos tsaka ka magdecide kung tingin mo ok sayo.
Halimbawa, may bagong pampapayat o diet pills na inaalok sayo. Kung may allergy ka, mahihiya kang sabihin o kaya sasabihin niya sayo, “Ok yan, walang side effects yan.” Ngayon, i-Google mo yung pangalan ng product tapos dugtungan mo ng “side effects” o kaya “reviews”. Mas marami kang basahin, may ok kasi mas marami kang matutunan.
Halos ganun din ang gawin mo bago ka mag-avail ng isang service. I-Enter mo din ang name ng company tapos dugtungan mo ng “reviews” o kaya “complaints”. Pero tulad ng sa mga products, wag isang review lang ang basahin mo. Kasi baka meron lang galit dun dahil sa simpleng problema tapos exaggerated na agad ang mga sinulat niya.
Dapat Basahin: Mga Tamang Paraan Kung Paano Gamitin ang Google Search (Part 1)
Actually, wala kang dapat i-worry kung medyo matagalan ka sa pagse-search sa Google. Ang importante, matututo ka. Katunayan, marami ka pang madi-discover na hindi ko nabanggit. Sabi nga sa English, “Experience is the best teacher.” Kaya sige lang, search lang ng search. Hindi naman sasabog ang phone o laptop mo pag nagkamali ka. Basta tandaan mo lang, mas specific ang keywords, mas madali mag-search.
Sana kahit paano nakatulong ako sa inyo. At sana i-Share nyo din ang post ko para mas dumami pa ang Pinoy na matuto ng tamang paraan ng paggamit ng Google Search.
No comments:
Post a Comment