Loading...
Dear Mocha, saan nakalagay ang utak mo? Alam ko, avid supporter ka ni President Duterte kaya inaasahan ko na ipagtanggol mo siya sa paghalik sa isang Pinay OFW sa South Korea. Karapatan mo yun at wala akong pakialam sa opinyon mo. Ang mahirap lang lunukin, yung mandamay ka pa ng patay na tahimik na at walang kalaban laban. Labo mo e!
Kung di mo nare-realize, ibang iba ang eksena nung kay President Duterte at nung kay Ninoy. Una sa lahat, president si Duterte at si Ninoy ay hindi. Ikalawa, ang pangulo ang nag-alok ng halik. Yung kay Ninoy, yung babae ang humalik. Ikatlo at pinaka masaklap, pinersonal mo si Kris. Anak ng…Hanggang dun na lang ang kayang abutin ng utak mo?
Uulitin ko ha, wala akong pakialam sa pulitika at lalong di ako fan ni Kris. Pero di ko na talaga maintindihan kung ano pumasok sa utak mo at naisip mong i-relate ang video ni Ninoy sa pagtatanggol kay President Duterte. Ganito ha. Baligtarin natin ang sitwasyon, Ano mararamdaman mo kung si Kris ang gumawa sayo nun? Di ka ba magagalit?
Dapat Basahin: Bakit Hindi OK ang Paghalik ni President Duterte sa Pinay sa Labi sa South Korea
Tanggap ko ina-appoint ka bilang PCCO Assistant Secretary. Di din ako agree na yung trabaho mo dati ay gawing basehan para wag kang bigyan ng pwesto sa gobyerno. Naniniwala ako na lahat ng tao dapat bigyan ng pagkakataong magbago. Pero sa ginawa mo, para mo na ring sinabing hindi mo deserve ang posisyon mo dyan.
Kung sa tingin mo, ok lang yung paghalik ni President Duterte dun sa babae, fine. Opinyon mo yun e. Kaso, yung pagbigay mo ng analogy gamit ang video ni Ninoy, malinaw para sa akin na ang target mo ay tirahin ang mga Dilawan. Akala ko ba gusto mo ng tunay na pagbabago, so nasaan na yun? Di ba dinagdagan mo lang ng gulo?
At wag na wag kang magpapalusot at sasabihin mong walang malice ang ginawa mo. Na kesyo nagtanong ka lang kung malaswa yung paghalik kay Ninoy. Style mo bulok! Ayokong isipin na wala kang breeding, pero yun ang nakita ko. Nung nilipat mo yung Mayon Volcano sa Naga, kaya ko unawain pero ito, malabo pa sa sabaw ng pusit!
So ngayon, ano napadala mo? Nakatulong ba sa bayan yung pag-share mo nung video? Tapos, matutuwa ka na inaaway ngayon ng mga supporters mo si Kris dahil napikon siya. Tingin mo, na justify mo yung ginawa ng pangulo? Ang babaw naman ng logic mo! Kaya uulitin ko ang tanong ko, saan nakalagay ang utak mo, Mocha? Sa suso mo?
PS Sa mga magko comment. Kung hindi kayo sang-ayon sa open letter ko, ok lang. Karapatan nyo yun. Kaso wag nyo gayahin si Mocha. Walang personalan, tutok tayo sa topic, ok? Pag lumagpas kayo sa guhit, karapatan kong i-delete ang comment nyo.
Harrah's Hotel and Casino Tulsa, OK Jobs - JTHub
ReplyDeleteFind 고양 출장마사지 out about Harrah's Hotel and Casino 부천 출장샵 Tulsa jobs, 속초 출장샵 salaries, benefits, work-life 당진 출장안마 balance, management, 하남 출장안마 job security, and more.