Thursday, June 21, 2018

Panoorin: Nakahubad na “Tambay” sa Harap ng Bahay Nila na Hinuli ng QC Pulis, Nagrereklamo (Video)

Isang lalaki sa Novaliches, Quezon City ang hinuli ng mga pulis dahil sa diumano ay naka-tambay na walang damit pang-itaas, na syang ipinagbabawal sa nasabing lungsod. Ang kaso, nagrereklamo ngayon yung hinuli kasi di naman daw talaga siya nakatambay, at nasa tapat lang siya ng kanilang bahay. Panooring mabuti ang CCTV video sa ibaba.

Loading...


Ayon kay Ariel Morco, na syang nag-upload ng video sa kanyang Facebook, totoong wala syang t-shirt nung time na hinuli sya. Pero giit nya, di naman sya nakatambay sa kalye kundi sa tapat ng mismo ng bahay nila. Sa simula ng video, makikitang kakalabas pa lang ng netizen na walang pang-itaas at naka maong shorts, na inayos pa nga nya.

Maya-maya, isang pulis na naka motor ang huminto sa tapat ni Morco na tila sinasabi sa kanya na bawal ang ginawa nya. Dahan-dahang pabalik na ang netizen sa kanyang bahay, bumaba ang pulis sa kanyang motor at siya ay inaresto. Makikitang may isang matandang lalaki na tila lolo ni Morco at inalam ang problema pero di naman umangal.





Makikita din na kusang sumama si Ariel Morco sa mga pulis at isinakay sa isang sasakyan. Sa mga reply nya sa mga comments, sinabi nya na di nya alam na mali ang ginawa nya kasi nga kahit naka-hubad sya, nasa harap lang siya ng bahay nila at di naman talaga naka-tambay sa kalye. Sinabi din nya na bilang parusa, pinaglinis siya ng mga pulis ng banyo o CR ng presinto. Dahil dito, halong comments ang natanggap nya.

Ayon sa ilan, alam naman daw ni Morco na mali ang ginawa nya kaya nga daw di sya pumalag nung hinuli sya. May isa namang nag-alok sa kanya ng legal na tulong kung sakali gusto nya magsampa ng kaso laban sa pulis ng humuli sa kanya. Pero sabi nya, naka-helmet daw yung pulis kaya di nya nakilala o nakuha man lang ang pangalan.

Ayon sa City Ordinance 2623-2017 na ipinatupad nito lang January, "There are people oblivious to the senses, feelings, and emotions of others who are displaying, walking or roaming around in public places topless, bottomless or completely naked. Naked persons in public places erode decency, exacerbates disorder, and set a bad example to children."

Ang parusa sa 1st offense ay multang P1,000 o community service sa barangay ng 3 araw. Sa 2nd offense ay P1,500 o community service sa barangay ng 3 araw. Sa 3rd offense naman ay P3,000 o pagkakakulong ng 6 months depende sa hatol ng korte. Ang 4th offense naman ay P5,000 o pagkakakulong ng 1 taon depende sa korte.



Ngayon, ito ang napansin kong parang mali sa pagkakamali sa paghuli kay Ariel Morco. Una, nasa tapat sya ng kanilang bahay at wala sa public place. Ang tanong, nakaka-offend ba yun kung may ibang makakakita? Maling impluwensya ba yun sa mga bata? Ikalawa, community service ba na matatawag ang maglinis ng CR ng mga pulis? Ano sa tingin nyo?



No comments:

Post a Comment