Friday, June 22, 2018

Bakit Dapat Maging Legal Na Ang Same-Sex Civil Union Sa Pilipinas

Malamang title pa lang kontrang kontra ka na, pero ok lang. Lalo na kung isang kang debotong Katoliko o conservative type Sige, immoral na kung immoral. Kahit anong masasamang salita o mura, tatanggapin ko. Pero sana, basahin mo muna ang paliwanag ko kung bakit tingin ko dapat payagan ang same-sex civil union dito sa Pilipinas.

Thursday, June 21, 2018

Panoorin: Nakahubad na “Tambay” sa Harap ng Bahay Nila na Hinuli ng QC Pulis, Nagrereklamo (Video)

Isang lalaki sa Novaliches, Quezon City ang hinuli ng mga pulis dahil sa diumano ay naka-tambay na walang damit pang-itaas, na syang ipinagbabawal sa nasabing lungsod. Ang kaso, nagrereklamo ngayon yung hinuli kasi di naman daw talaga siya nakatambay, at nasa tapat lang siya ng kanilang bahay. Panooring mabuti ang CCTV video sa ibaba.

Saturday, June 16, 2018

Mga Importanteng Bagay na Dapat Mong Malaman Tungkol sa LGBT Bago Mo Sila Husgahan (Part 2)

Welcome sa Part 2 ng mga Mga Importanteng Bagay na Dapat Mong Malaman Tungkol sa LGBT Bago Mo Sila Husgahan. Sa Part 1, in-explain ko ang iba’t ibang uri ng sexual orientation at gender identity at kung bakit may bakla at tomboy. Dito naman sa Part 2, mas marami pa kayong malalaman tungkol sa kanila. Sana basahin nyo ng mabuti mula umpisa hanggang dulo.

Mga Importanteng Bagay na Dapat Mong Malaman Tungkol sa LGBT Bago Mo Sila Husgahan (Part 1)

Napansin ko lang, may mga tao pa ring hindi nila matanggap na may bakla (beki) o tomboy (tibo). Ito ay kahit dumarami na sa kanila ang tinanggap na ng lipunan. So ano nga ba ang mga bagay na dapat mong malaman tungkol sa LGBT (lesbian, gay, bisexual and transgender) bago mo sila husgahan agad? Narito ang Part 1.

Sunday, June 10, 2018

Suicide: 7 Mga Importanteng Bagay Na Dapat Mong Malaman Na Akala Mo Alam Mo Na

Balita ngayon sa buong mundo ang pag pagpapakamatay ng 61-taong gulang na sikat na American chef at TV personality na si Anthony Bourdain. Natagpuan ang ang kanyang bangkay sa kanyang hotel room sa France nitong Friday, June 8. Gaya ng inaasahan, marami ang nagulat at nalungkot. Kaya ngayon, naisip kong i-share ang nalaman kong mga importanteng bagay tungkol sa suicide, na napapansin ko, marami pa ang di nakakaalam.

Saturday, June 9, 2018

Mga Common Job Interview Questions at Kung Paano Mo Dapat Sagutin (Part 3)

Welcome sa Part 3 ng “Common Job Interview Questions at Kung Paano Mo Dapat Sagutin.” Gaya ng Part 2, susukatin dito ang abilidad mo sa pagharap sa mga problema, at kung ano ang ginawa mo na dati. Kaso, may kasama pang dagdag na personal na tanong. Kung fresh graduate ka, magagamit mo din ito sa future job applications mo.

Mga Common Job Interview Questions at Kung Paano Mo Dapat Sagutin (Part 2)

Welcome sa Part 2 ng “Common Job Interview Questions at Kung Paano Mo Dapat Sagutin.” Dito, susukatin ang kakayahan mo sa pagharap sa mga problemang posibleng dumating, at kung ano ang ginawa mo na dati. Pero kahit kung fresh graduate ka o first-time job applicant pa lang, malaki pa rin ang maitutulong nito sayo.

Mga Common Job Interview Questions at Kung Paano Mo Dapat Sagutin (Part 1)

So nag-apply ka ng trabaho at tinawagan ka na for job interview. Ihahanda mo na ang isusuot mo at matutulog ka nang maaga para maaga ka magising. Kung first-time job applicant ka, narito ang mga karaniwang tanong sa job interview at paano mo sila dapat sagutin, Kung medyo marami ka nang naaplayan at bagsak ka pa rin, para sa iyo rin ito.

Friday, June 8, 2018

5 Tamang Paraan Kung Paano Lutasin ang Kahit Anong Klaseng Problema

Kasama na ang mga problema sa araw-araw na buhay natin, at may mga pagkakataon na hindi mo ito maiiwawasan, kahit na di ikaw ang may kasalanan. Kahit nga mayayaman at mga powerful na tao, marami din silang problema. Akala mo lang wala, pero meron, meron. Pero ang tanong, ano nga ba ang mga tamang paraan sa pag solve o lutasin ang kahit anong problema? Ganito yun.

Wednesday, June 6, 2018

Open Letter kay Mocha Uson sa Ninoy Kissing Video, “Saan Nakalagay ang Utak Mo?”

Ngayong alam na ng buong Pilipinas ay awayang Kris Aquino at Mocha Uson, kanya kanya nang kampihan ng mga supporters ng magkabilang panig. Unahan ko na kayo, wala akong pakialam sa pulitika. Pero pag may mali, pinapansin ko. Para sa akin, sobrang sablay ginawa ni Mocha kaya ko naisip na gawin ang open letter na ito para sa kanya.

Tuesday, June 5, 2018

8 Tips Kung Paano Gumawa ng Resume na Makakatulong Para Ma-Hire Ka Agad

Higit 15 taon din akong naging empleyado at naging supervisor ako ng 8 taon. Dahil dun, higit 500 na ata ang mga aplikanteng na-interview ko sa iba’t ibang posisyon. Kaya tingin ko, kahit paano meron akong sapat na credibility para magbigay ng mga tips kung paano gumawa ng resume na makakakatulong para ma-hire agad ang isang job applicant gaya mo.

5 Mga Mabibigat na Dahilan Kung Bakit Hindi Ka Dapat Gumamit ng Facebook Free Data

Tanggapin mo man ang katotohanan o hindi, tayong mga Pinoy mahilig sa libre. Mula sa pamasahe, sine, meryenda at ngayon naman sa Internet. Sino ba aayaw sa libre? Kaso, napansin ko di lahat ng libre e dapat, gaya ng Internet. Katunayan, maraming mabibigat na dahilan kung bakit dapat mong iwasan o hindi ka na talaga gumamit ng Facebook free data.

Mga Tamang Paraan Kung Paano Gamitin ang Google Search (Part 2)

Una sa lahat, Part 2 na ito ng post ko kung paano mag Google Search gamit ang keywords. Kung hindi nyo nababasa yung Part 1, paki click lang o tap yung link na makikita nyo sa ibaba. Dito sa Part 2, tuturuan ko naman kayo kung pano makakaiwas sa scam at kung paano malalaman kung maayos ang isang product o service.

Mga Tamang Paraan Kung Paano Gamitin ang Google Search (Part 1)

Napansin ko na sa dami ng Pinoy ngayon na may smartphone at Facebook, marami pa rin ang hindi marunong gumamit ng Google Search o kaya nalilito pa. Sa tingin ko, isa itong malaking dahilan kung bakit marami ang mga nabibiktima ng scam at napapaniwala ng fake news. Kaya naisip ko, i-share ang alam ko na mga tamang paraan ng paggamit ng Google Search.

Monday, June 4, 2018

Bakit Hindi OK ang Paghalik ni President Duterte sa Pinay sa Labi sa South Korea

Nitong Linggo, nakita ng buong mundo nang halikan ni President Rodrigo Duterte ang isang Pinay sa South Korea. At hindi basta halik, sa labi siya hinalikan ng pangulo at sa mismong stage kung saan kitang kita ng mga Pinoy. Gaya ng inaasahan, hati ang opinyon ng mga tao. Wala akong hilig sa pulitika kaso papansinin ko ang tingin ko dapat pansinin. At para sa akin, hindi OK ang ginawa nya. Hayaan nyo ako mag-explain.